Dinala na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang equipment na gagamitin sa paghanap sa missing sabungeros sa Talisay, Batangas kaninang madaling araw.
Ibinaba ang assets sa coast guard substation kaninang 2 a.m. at inilipat sa fishport.
Kabilang sa mga equipment na gagamitin sa paghahanap ay diving suits at fins, oxygen tanks, cadaver bags, first aid kits, life rings, rigid hull inflatable boats, at rubber boats.
Ang pagsisimula ng search operation ay depende sa kundisyon ng panahon at water current.
Ayon sa mga awtoridad, ang pinakamalalim na bahagi ng Taal Lake ay nasa 198 meters na katumbas ng 60 palapag na gusali.
Inaasahan na darating sa lugar ang mga opisyal ng Department of Justice, the Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group, at PCG.
Magpupulong muna ang mga opisyal bago simulan ang paghahanap.
Kabilang sa mga hamon na maaaring kaharapin ng searchers ang posibleng hindi magandang panahon at malakas na current maging ang banta low-level na pag-alburuto ng Tall Volcano.
Itinaas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano, na ibig sabihin ang bulkan ay nasa abnormal condition at hindi dapat na balewalain ang banta ng pagputok nito.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ang posibleng panganib ay phreatic eruptions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions of volcanic gas.
Nagpatupad din ang mga awtoridad ng mas mahigpit na seguridad sa palibot ng bulkan.
Matatandaan na isiniwalat ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na itinapon sa Taal Lake ang 134 na missing sabungeros mula 202 hanggang 2022.
Pinangalanan niya si businessman Atong Ang na utak sa nasabing kaso at idinawit din si actress Gretchen Barretto.