Kinumpirma ng Malacañang na nagsumite na ng ‘irrevocable resignation’ si Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Monalisa Dimalanta.

Hindi pa rin kumpirmado kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Dimalanta, o kung may balak siyang baguhin ang komposisyon ng ERC.

Kung sakali mang tuluyang tatanggapin ang pagbibitiw, mawawala ang quorum sa ahensya dahil tatlo na lamang ang natitirang miyembro mula sa limang board members.

Maaalalang may dalawa nang nabakanteng mga commissioners matapos ang retirement nina Alexis Lumbatan at Catherine Maceda.

Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye mula sa Palasyo tungkol sa dahilan ng kanyang pag-alis.

-- ADVERTISEMENT --