Dumating na sa Dubai ang eroplano na lulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte para magpahinga bago dumiretso sa The Hague

Matatandaan na inaresto si Duterte matapos na maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa flightradar.com, dumating ang Gulfstream G550 aircraft (RP-C5219) sa Al Maktoum International Airport kaninang 4:03 a.m. oras sa Dubai o 8:03 a.m. Manila time.

Umalis ang eroplano sa Villamor Air Base sa Pasay City kagabi sa oras na 11:03 p.m.

Una rito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kagabi na dadalhin si Duterte sa The Hague para harapin ang mga kaso may kaugnayan sa mga pagpatay sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Marcos natanggap ng Interpol Manila ang official copy ng ICC warrant of arrest ilang oras bago ang pagbabalik sa bansa ni Duterte mula sa Hongkong.