Nagbabala si Senate President Francis Escudero laban sa tinawag niyang “prophets of darkness” na pinipintahan ang kinabukasan ng bansa na “itim,” at ipinaalala na ang Mahal na Araw ay panahon ng pagpapatawad, transformation, at pagkakaisa.
Sa kanyang statement sa Semana Santa, sinabi ni Escudero na umaasa siya na ito ay panahon ng pagbabago at pagkakaisa para sa lahat.
Payo ni Escudero, huwag magpadala sa mga propera ng kadiliman na nagsasabing itim at hindi makulay at maliwanag ang ating kinabukasan.
Idinagdag pa niya na huwag hayaan na nakawin aty bawiin sa atin ang liwanag at pag-asa na mensahe ng muling pagkabuhay ni Hesu Kristo.
Sinabi pa ni Escudero na ang Mahal na Araw ay panahon ng pagpapatawad at pagkakasundo, at hindi panahon ng pag-aaway-away at pagsusulong ng mga personal na ambisyon.
Una rito, naglabas ng bagong campaign video si Senator Imee Marcos na may pamagat na “Itim.”
Sinabi ni Sen. Marcos na ang itim ay acronym na ang ibig sabihin ay “Inday Trusts Imee Marcos”, at ito rin aniya ay paglalarawan sa kasalukuyang kulay ngayon ng ating bansa.