Napanatili ni Senator Francis Escudero ang ang kanyang puwesto bilang Senate President, kung saan tinalo niya ang nag-iisang katunggali na si Senator Vicente Sotto III.

Ilang sandali matapos ang pagbubukas ng unang regular session ng 20th Congress, nagbotohan ang Senado ng kanilang bagong mga opisyal, kung saan 19 Senators, kabilang si Sotto ang bumoto pabor kay Escudero.

Lima mang ang bumoto, kabilang si Escudero kay Sotto.

Ang apat pang senador na bumto kay Sotto ay sina Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Panfilo Lacson, at Risa Hontiveros.

Kasunod nito, ni-nominate ni Zubiri si Sotto bilang Minority Leader na tinanggap naman ni Sotto.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, nangako si Sotto na na ipapatupad niya ang kanyang duties at responsibilities bilang Minority Leader.

Napanatili naman ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang puwesto bilang Senate Pro Tempore. habang napili si Senator Joel Villanueva bilang Majority Leader at concurrent chairman ng Senate Committee on Rules, na hawak niya sa ilalim ng liderato ni dating Senate President Zubiri.

Matatandaan na noong May 2024, bumaba si Zubiri bilang Senate President at pinalitan siya ni Escudero.