Umaasa si Senate President Francis Escudero na ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address o SONA ang tunay na kalagayan ng bansa, kaakibat ng mga planong solusyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa at maging ang mga dapat na tutukan ng mga mambabatas.
Sinabi ni Escudero na umaasa din siya na makakapaglatag si Marcos ng mga makabuluhan at mahahalagang panukalang batas na nais niyang mapag-aralan at mabusisi ng kongreso.
Samantala, sinabi ni Escudero na sumasailalim siya sa pag-aaral upang makabisado niya ang kanyang posibleng magiging papel sa SONA.
Ayon sa kanya, nangangapa pa siya kung ano ang kanyang posibleng gagawin sa nasabing kaganapan.