Mas mabuti umano na huwag pangunahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang imbestigasyon sa drug war ng nakalipas na administrasyon upang maiwasan ang mga alegasyon ng partiality.

Ito ang sinabi ni Senate Preaidente Francis Escudero.

Una rito, sinabi ni dela Rosa na nagsilbing PNP chief noong Duterte administration na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa nasabing usapin.

Siya ngayon ang pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Kinontra naman ito ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang pagsusulong na magkaroon ng Senate of the whole na magsasagawa ng imbestigasyon sa madugong drug war.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Escudero na option ang committee of the whole, subalit tinitingnan din niya ang iba pang komite na puwedeng humawak sa imbestigasyon maliban sa komite ni dela Rosa.