
Inaresto ang isang Estonian vlogger sa Dumaguete City na tumawag na mukhang unggoy ang mga Pinoy sa kaniyang video content, matapos na malaman na overstaying na siya sa Pilipinas.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, iprinisenta sa media ang inarestong dayuhan na si Siim Roosipuu, 34-anyos.
Kakasuhan si Roosipuu ng paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012, ayon kay Remulla.
Inaresto si Roosipuu ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence and Anti-terrorist group noong January 15 sa inuupahan niyang bahay.
Sa video ni Roosipuu, makikita siya na nag-iikot at nagsasabi na mukhang unggoy ang mga tao sa paligid at ginagaya ang tinig ng unggoy.
May video rin si Roosipuu na ginagawang content ang mga kabataang babae at tinatanong ng hindi kaiga-igayang mga bagay.










