Ang graduation ay para ipagdiwang ng mga estudyante ang kanilang accomplishments at para pasalamatan ang mga tumulong sa kanilang pag-aaral.

Subalit, iba ang ang nangyari sa isang graduation ceremony sa China.

Imbes kasi na makipagkamayan ang isang estudyante, sinuntok niya sa mukha ang isang propesor at naglakad na parang walang nangyari.

Nasira ang mga salamin at masterboard ng propesor.

Nagtamo ng minor injuries ang propesor at kasunod nito ay hinuli ang estudyante na pinangalanang Hsia, isang Taiwanese.

-- ADVERTISEMENT --

Nangyari ang insidente sa Fudan University sa Shanghai.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo ng estudyante sa kanyang ginawa.

Subalit, may espekulasyon na ang dean sana ang susuntukin ni Hsia, ngunit nagkamalaki siya ng nasuntok.

Ayon sa unibersidad, binabatikos ni Hsia ang kanilang paaralan sa social media, at sinabing pinilit siya ng kanyang mga magulang na mag-aral sa Shanghai.

Nagsasagawa na ang unibersidad ng malalimang imbestigasyon sa insidente at magpapataw umano ng nararapat na hakbang depende sa magiging resulta ng pagsisiyasat.

Una rito, kasama si Hsia sa mga kandidato para sa prestihiyosong Peking University Health Science Center (BJMU)sa kanilang master’s degree programme.

Subalit, hindi muna siya pinag-enroll dahil sa sumasailalim siya sa ‘ideological and moral assessment’.