
Viral ngayon ang isang video ng panununtok ng isang estudyanteng lalaki sa kanyang kaklaseng babae sa Tagkawayan, Quezon.
Makikita sa kumakalat na video na itinulak at sinuntok ng lalaking estudyante ang biktima.
Agad namang namagitan ang isang lalaking guro upang awatin ang nananakit na estudyante.
Gayunman, pilit pang kumawala ang suspek mula sa pagkakahawak ng guro.
Ayon sa pulisya, ang gulo ay nagsimula umano sa lalaking estudyante, bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng insidente.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng paaralan na magpapatupad sila ng nararapat na disciplinary action laban sa sangkot na estudyante alinsunod sa kanilang mga patakaran.
Dagdag pa ng mga opisyal ng paaralan, kapwa ang lalaking estudyante at ang babaeng biktima ay sasailalim sa counselling upang matugunan ang epekto ng insidente at maiwasan ang pag-uulit ng karahasan sa loob ng eskwelahan.










