Ibinasura ng Mababang Kapulungan ang ethics complaint laban kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co matapos ang kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng Kongreso.
Ayon kina House Speaker Bojie Dy at ethics chairman JC Abalos, nawalan ng kapangyarihan ang Kamara na ipagpatuloy ang kaso matapos ang pagbibitiw ni Co.
Paliwanag nila, nakahanda sana ang Kamara na isuspinde at posibleng ipatalsik ang dating kongresista kung hindi ito makikipagtulungan.
Gayunpaman, iginiit ni Abalos na hindi tuluyang makakatakas si Co sa mga paratang laban sa kanya.
Nananatili pa rin aniya ang posibilidad na masampahan siya ng kaukulang kaso ng Department of Justice o ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay ng mga alegasyon.
-- ADVERTISEMENT --