Nagpasiya ang European Union foreign ministers laban sa pagpapalawak ng kanilang naval operations sa palibot ng Strait of Hormuz, sa kabila na binatikos ni US President Donald Trump ang mga kaalyado na tumanggi sa kanyang kahilingan na tulong para muling mabuksan ang Strait.

Kasabay nito, nagpahayag na naman ng malabong timeline si Trump kung kailan matatapos ang giyera sa Iran, kung saan sinabi niya na malapit na itong matapos.

Nagpahayag din siya ng pagkabigla sa mga pag-atake ng Iran sa mga bansa sa Gulf region bilang ganti sa strikes ng US at Israel.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang mga lider ng Canada, France, Germany, Italy, at United Kingdom sa lumalalang karahasan sa Lebanon.

Una rito, sinabi ng Israel na palalawakin nila ang ground operations sa Lebanon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil sa giyera.

Bagamat hindi naglabas ang Iran ng pinakahuling bilang ng mga namatay sa kanilang bansa, sinabi ng kanilang foreign minister na daang-daang sibilyan, kabilang ang mahigit 200 mga bata ang namatay buhat nang magsimula ang giyera.

Umaabot naman sa 47 katao ang iniulat na namatay sa Iraq, kung saan karamihan sa kanila ay mga sundalo mula sa Popular Mobilization Force.

Isang sundalo ng France ang namatay din sa pag-atake sa military base sa Kurdistan sa Iraq.

Nasa 15 Israelis ang namatay, kabilang ang siyam matapos ang missile attack na tumama sa isang residential building, at dalawang sundalo na namatay sa southern Lebanon.

Labing tatlong sundalo ng US naman ang namatay.

Anim ang namatay sa United Arab Emirates, isa sa Oman na isang Indian, dalawa sa Saudi Arabia, at isa sa Bahrain.