Magpapadala ang European Union (EU) ng Election Observation Mission (EOM) sa Pilipinas para obserbahan ang mid-term elections sa Mayo 12.

Ang desisyong ito ay ginawa ni EU High Representative at European Commission Vice President Kaja Kallas, sa imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec), na nagpapakita ng mas matibay na ugnayan ng EU at Pilipinas.

Itinalaga si Marta Temido, miyembro ng European Parliament, bilang chief observer.

Ayon kay Temido, isang pribilehiyo ang pangunahan ang EOM at makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas.

Magbibigay ang EOM ng komprehensibo, independent, at impartial na pagtatasa ng electoral process batay sa international at regional standards.

-- ADVERTISEMENT --

Maglalabas din ito ng preliminary statement at magsasagawa ng press conference pagkatapos ng halalan.

Ang pinal na report, kasama ang mga rekomendasyon para sa hinaharap na electoral processes, ay ibabahagi sa mga stakeholders matapos ang kumpletong proseso ng eleksyon.