
Tanging si Eumir Marcial ng Pilipinas ang nakakuha ng gintong medalya sa boxing sa 33rd Southeast Asian Games matapos na talunin si Maikhel Muskita ng Indonesia, 4-1, sa men’s 80-kilogram.
Nakuha ni Marcial, ang Tokyo Olympics bronze medalist ang kanyang fifth career SEA Games gold medal, na nagbigay-daan para magtapos ang Philippine boxing team sa kompetisyon na may isang gold medal, tatlong silver at anim na bronze medals.
Nagtabla ang laban matapos ang dalawang rounds bago na-kontrol ni Marcial ang huling round, matapos niyang pakawalan ang kanyang kanang kamay na tumama kay Muskita at napasandal siya sa tali at agad niyang sinundan ng sunod-sunod na suntok bago pinatigil ang laban.
Sinabi ni Marcial na hindi niya inasahan na muli siyang makakakuha ng gold medal sa SEA Games.
Ang tagumpay ni Marcial ay matapos ang silver medals na nakuha nina Aira Villegas, Jay Brian Baricuatro at Flint Jara matapos silang matalo sa mga nakalabang Thai boxers.









