Hindi pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng European Union Election Observation Mission na payagan silang pumasok sa polling places sa eleksyon sa May 12.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ay paglabag sa mga batas ng bansa.

Tinukoy ni Garcia ang 1987 Constitution maging ang probisyon ng Omnibus Election Code na nagsasaad na sinomang miyembro o units ng anumang citizen group o organisasyon maliban sa kanilang nag-iisang accredited watcher ay hindi papayagan na pumasok sa mga polling place maliban kung boboto ang mga ito, at mananatili ang mga ito sa lugar na may layong 50 metro mula sa polling place.

Sinabi ni Garcia na ipinaliwanag niya sa mga EU observers na sa ilalim ng Constitution, naatasan ang Comelec na ipatupad ang mga batas.

Nasa bansa ang EU poll observers sa bansa sa imbitasyon ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --