Nakahanda na ang mga evacuation centers at mga relief goods sa iba’t ibang local government units na gagamitin sakaling may mga mangangailangan ng tulong dahil sa epekto ng bagyong Carina.
Ayon kay Michael Conag, information officer ng office of civil defense Region 2 nakaantabay rin ang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office partikular na sa downstream kung saan nakataas ang signal.no 1.
Aabot aniya sa P4Million ang halaga ng mga relief goods na ipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development Ofice (DSWD) Region 2 sa mga posibleng maaapektuhan ng nasabing bagyo habang mayroon rin nakastandby na P36Million na halaga ng relief goods at family food packs sakaling kailanganin pa ng mga lgu’s.
Bukod dito ay maigting na rin aniya ang pagbabantay ng mga coast guard at lgu sa mga coastal municipalities partikular na sa probinsiya ng Batanes kung saan mahigpit nang ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa mga coastal areas .
Bagama’t wala pang naitaas na gail warning ay awtomatikong kapag may ganitong sama ng panahon ay hindi na pinapayagan ang mga fisherfolks na maglayag sa karagatan partikular na sa mga gumagamit ng maliliit na bangka na pangingisda.
Sa ngayon ay wala namang naitatalang stranded sa mga pantalan.