Hinatulan ng korte sa Jilin, China ng kamatayan si Tang Renjian, dating Minister of Agriculture at Rural Affairs dahil sa bribery o pagtanggap ng suhol.
Ayon sa state-run news agency Xinhua, tumanggap si Tang ng suhol kabilang ang cash at mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit 268 million yuan o $37.6 million nang hawak pa lang niya ang iba’t ibang posisyon mula 2007 hanggang 2024.
Batay pa sa report, sinuspindi ng Changchun Intermediate People’s Court ang kanyang parusang kamatayan sa loob ng dalawang taon dahil sa pag-amin niya sa kanyang mga nagawang krimen.
Pinatalsik ng Communist Party ng China si Tang noong November 2024, anim na buwan matapos na isailalim siya sa imbestigasyon ng anti-graft watchdog at tinanggal siya sa kanyang puwesto.
Naging mabilis ang imbestigasyon kay Tang at sinundan ng katulad na imbestigasyon kay defense minister Li Shangfu at ang kanyang pinalitan na si Wei Fenghe.
Si Tang ay nagsilbing gobernador ng probinsiya ng Gansu mula 2017 hanggang 2020 bago siya itinalaga na minister of agriculture at rural affiars.
Matatandaan na noong Enero, sinabi ni Chinese president Xi Jinping na ang isa sa pinakamalaking banta sa Communist Party of China ay ang ang korupsyon at patuloy umano ang paglala ng sitwasyon.