Ibinalik na sa Camp Bagong Diwa mula sa Philippine General Hospital (PGH) si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.kagabi.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Tevez, inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology Annex 2 ng 8:30 p.m.

Idinagdag pa ni Topacio na nakakaranas pa ng bahagyang pananakit ng tiyan ang kanyang kliyente.

Sinabi niya na hihilingin niya na payagan siya na magkaroon ng follow-up checkup mula sa kanyang mga doktor sa PGH na isasagawa sa Annex 2 pagkatapos ng isang linggo.

Matatandaan na sumailalim si Tevez sa appendectomy sa PGH noong June 18.

-- ADVERTISEMENT --

Si Tevez ay nahaharap sa kasong multiple murder dahil umano’y pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Una rito, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi isasailalim sa hospital arrest o hindi pagkakalooban ng preferential treatment si Tevez sa kanyang paglabas sa pagamutan.

Bukod sa kasong multiple murder, nahaharap din si Tevez sa kasong illegal possession of firearms and explosives sa Manila court.

Tumangging magbigay ng plea si Tevez sa mga nasabing kaso, na nagbunsod para magpasok ang korte ng not guilty plea para sa kanya.

Samatala, itinakda ang kanyang arraigment para sa isa pang murder case sa July 14 dahil sa kanyang surgery.