
Sangkot umano sa cover-up sa flood control scandal si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil sa mga maling lokasyon ng proyekto.
Isa sa pineke umano ni Bonoan ay ang flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.
Aniya, kaya pala umabot sa higit 400 ang inisyal na nakitang ‘ghost’ project ay dahil sa mali-mali ang binigay na grid coordinates upang mailigaw ang mga imbestigador.
Si Bonoan ay pina-subpoena ng Senate Blue Ribbo¬n Committee na humarap sa hearing sa Lunes, Enero 19 pero dahil nasa Estados Unidos pa rin ito, posibleng hindi ito makadalo.
Dahil dito, irerekomenda ni Lacson ang pag-iisyu ng warrant of arrest kay Bonoan upang mapauwi ito sa Pilipinas.









