
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ng gabi sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, kapwa dating mga engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa unang distrito ng Bulacan, habang nasa loob ng Senado.
Isinilbi ang warrant of arrest laban sa dalawa habang dumadalo sila sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan sila ay nananatiling nakadetine mula pa noong nakaraang taon.
Bandang alas-8 ng gabi, nakita ang mga kawani ng NBI na inescort sina Hernandez at Mendoza palabas ng gusali ng Senado. Iniulat na dinala ang dalawa sa tanggapan ng NBI sa Pasay City.
Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bandang 7:47 ng gabi, matapos suspendihin ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee, na pinahintulutan niya ang pag-aresto ng NBI.










