
Arestado sa isang drug buy bust operation ang isang dating alkalde mula sa isang bayan sa Nueva Ecija pasado 1 a.m. ngayong Miyerkules, Dec. 31 sa Brgy. Calipahan sa Talavera, Nueva Ecija.
Kinilala ang naturang suspek sa alyas na “Bossing,” base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial P/Col. Herryl Bruno.
Naaresto ang dating alkalde matapos niyang magbenta ng umano’y shabu sa isang poseur buyer na isang pulis.
Limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at may timbang na 70 grams, ang nasamsam. Aabot sa P476,000 ang street value nito.
Kasalukuyang nakadetene ang suspek sa Talavera Police Custodial Facility na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
-- ADVERTISEMENT --










