Patay ang dating mayor ng bayan ng Lagayan, Abra na si Jendricks Luna, 54-anyos matapos siyang barilin sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Dangdangla sa bayan ng Bangued kaninang umaga.

Batay sa report ng Police Regional Office – Cordillera (PRO COR) , nakaupo si Luna sa isang kiosk sa labas ng kanilang bahay nang pagbabarilin siya ng dalawang katao na sakay ng motorsiklo.

Agad na umalis ang mga salarin sa hindi matukoy na direksion.

Dinala si Luna na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang katawan ng kanyang mga kamag-anak sa ospital subalit idineklara siya dead on arrival ng umasikasong doktor.

Agad na inalerto ng Lagayan PNP ang mga kalapit na police stations, maging ang intelligence operatives ppara sa dragnet operations para mahuli ang mga salarin.

-- ADVERTISEMENT --