
Nagsampa ng kaso si dating Miss Jamaica Gabrielle Henry laban sa Miss Universe Organization (MUO) matapos ang aksidenteng pagkahulog nito sa stage noong nakaraang taon.
Isinampa ni Henry ang kaso sa Delaware Supreme Court laban sa MUO at dalawang parent companies nito na JKN Legacy Inc. at Legacy Holding Group.
Kabilang sa mga reklamo ay ang negligence, premises liability,negligent hiring, retention at supervision ganun din ang negligent at intentional infliction of emotional distress.
Nagtamo umano si Henry ng traumatic brain injury, acute subarachoid hemorhage,frontal lobe hemorrhagic contusion, at subdural hemorrhage, matapos ang pagkakahulog sa stage.
Nangyari ang aksidente noong Nobyembre ng nakaraang taon habang ginaganap ang Miss Universe preliminary competition.
Dahil sa pangyayari ay naospital ito ng halos isang buwan na itinuturing na traumatic moment sa buhay niya.






