Pinatawan ng New York state Supreme Court ng disbarment si dating New York city Mayor Rudy Giullani.

May kaugnayan ito sa papel niya sa election interference case ni dating US President Donald Trump noong 2020.

Ang nasabing disbarment na epektibo agad ay isang malaking sampal sa kampo ni Trump na nagpakalat ng kasinungalingan tungkol sa 2020 elections.

Nakasaad sa kautusan na inabuso ni Guillani ang kaniyang posisyon bilang personal na abogado ng dating pangulo na nagpakalat ng mga kasinungalingan noon 2020 elections.

Una na siyang sinuspendi at naghain na ng bankruptcy dahil sa pagkakautang na aabot sa $150-M dahil sa defamation laban sa dalawang elections workers at naharap din ito sa mga iba’t-ibang kaso ganun din ang kasong kriminal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panig ni Giullani na hindi na ito nasurpresa sa utos ng korte.