In-acquit ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima, at ang 16 na iba pa sa kasong graft.

Ito ay kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nila sa maanomalyang courier services contract kasama ang Werfast Documentation Agency, Inc. (Werfast) noong 2011.

Ayon sa Sixth Division ng anti-graft court, bigo ang prosekusyon na mapatunayang guilty ang naturang mga indibidwal.

Samantala, wala namang civic liabilities ang ipinataw laban sa mga akusadong opisyal.

Na-lift na rin ang mga hold departure orders laban sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na noong 2016, nadiskubre ni former Ombudsman Conchita Carpio Morales na nakipag-ugnayan ang PNP sa serbisyo ng Werfast sa pagde-deliver ng mga firearms license cards sa mga rehistradong gun owners sa pamamagitan ng isang MOA noong 2011.

Ito ay kahit na walang naunang track record ang kumpanya bilang isang courier service.

Nadiskubre rin ng Ombudsman na walang public bidding na isinagawa ng mga opisyal ng PNP para rito.