
Pormal nang nagretiro si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa police service matapos ang pag-aproba ng National Police Commission (Napolcom).
Dahil dito, inaasahan na mapo-promote si acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa four-star rank police general, na tradisyonal na hawak lamang ng fully-fledged PNP chief.
Matatandaan na tinanggal si Torre sa kanyang puwesto noong August 26, 2025 kasunod ng hindi pagkakaunawaan sa Napolcom sa kanyang ginawa na reassigment ng maraming senior PNP officials.
Inilagay siya sa Personnel Holding and Accounting Unit sa ilalim ng DPRM habang nakabinbin ang kanyang bagong assignment sa PNP.
Pinalitan naman siya ni Nartatez sa acting capacity.
Subalit itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Torre bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong December 26, 2025.







