Inihayag ni dating Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na walang siyang pagsisisi sa pag-aresto at pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Iginiit ni Torre na ngayon ay general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipinatupad lamang niya ang kaniyang tungkulin at wala siyang personal na motibo sa operasyon.

Naaresto si Duterte noong March 2025 sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Torre na isang seryoso at formal na proseso ng batas ang confirmation of charges laban kay Duterte at dapat na ito ay igalang.

Kasabay nito, sinabi ni Torre na handa niyang harapin ang mga kaso na posibleng isampa laban sa kanya dahil sa pag-aresto kay Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tatlong babaeng judges ang tutukoy kung may sapat na ebidensiya para magkaroon ng substantial grounds para paniwalaan na ginawa ni Duterte ang crimes against humanity, kabilang ang murder at attempted murder.

Kung kahit isa ay kaso ay makumpirma, susulong ang kaso sa paglilitis.