Naaresto ng mga awtoridad ang dating pulis ay kanyang driver-bodyguard na isinasangkot sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Nakita sina dating police major Allan de Castro at Jeffrey Magpantay sa Barangay Caloocan, Balayan sa Batangas noong September 14.

Sinabi ni Police Regional Office 4A spokesperson Lt. Col. Chitadel Gaoiran na nakakulong ang dalawa sa Balayan police station.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Batangas City Regional Trial Court Branch 3 laban kina de Castro at Magpantay noong Sept. 4 sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Walang inirekomenda na piyansa ang korte para sa dalawa.

-- ADVERTISEMENT --

Iniulat na nawawala ang 26 anyos na si Camilon, isa sa Miss Grand Philippines 2023 candidate, ng kanyang ina at kapatid na babae ilang araw matapos na bumiyahe mula sa bayan ng Tuy papunta ng Batangas City noong October 12.

Batay sa reports, ang teacher-model, na kinoronahan na Miss Batangas, ay huling nakita sa loob ng shopping mall bayan ng Lemery ng gabi ng Oct. 12.

Ayon sa PNP, unang inamin ni de Castro na mayroon silang relasyon ni Cammilon.