Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa bansa pa rin si Porac Mayor Jing Capil batay sa record ng Immigration.

Lumabas ang impormasyon matapos maglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court ng National Capital Judicial Region, Branch 265 sa Pasig City laban kay Capil, kaugnay ito ng 7counts ng kasong graft.

Ang mga kaso ay may kinalaman sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa operasyon ng online scam hub na Lucky South 99 sa kanilang bayan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Remulla na nagpahiwatig ng kahandaang sumuko si Capil.

Ngunit nagbabala ang kalihim na kung hindi ito magtutungo sa mga awtoridad ngayong linggo, magsasagawa na sila ng mas maigting na manhunt operation laban sa naturang opisyal.

-- ADVERTISEMENT --