
Matapos ang hindi pagdalo sa confirmation of charges hearing, hiniling din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court (ICC) na hindi siya dadalo sa pagdinig sa pag-aaral sa kanyang pagkakakulong.
Sa isang waiver na nilagdaan ni Duterte, sinabi niya sa korte na hindi siya dadalo sa annual hearing na nakatakda sa Pebrero 27, na wala namang ibinigay na anomang rason.
Ayon kay Duterte, ipinaliwanag ng kanyang counsel ang legal consequences sa hindi niya pagdalo sa hearing dahil sa waiver subalit tiwala umano siya sa kanyang legal team na kakatawan sa kanya sa ICC.
Sinabi pa ni Duterte sa Pre-Trial Chamber 1 na ayaw din niyang dumalo sa pagdinig kahit sa labas ng korte o sa pamamagitan ng videoconference.
Sa ilalim ng Rule 118(3) ng ICC Rules of Procedure and Evidence, na nagtatakda ng guidelines sa pre-trial detention ng isang akusado, maaaring magsagawa ng PTC ng annual hearing, ito man ay mula sa kahilingan ng prosecutor o ang nakakulong na inibidual.









