Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng quad com ng Kamara kaugnay sa extra judicial killings at war on drugs.
Una rito, hiniling ni Congressman Bienvenido Abante kay Duterte na igalang ang komite at iwasan na magmura.
Ayon sa kanya, tinitiyak ng quad comm na ibibigay din sa dating pangulon ang karapat-dapat na respeto.
Kasabay nito, kinompronta ni Abante si Duterte tungkol sa madugong war on drugs at nagsabi ng ilang pangalan ng mahigit 7,000 na namatay sa nasabing kampanya.
Kasunod nito ay may ipinanood na video clips si Congressman Dan Hernandez ng mga sinabi ni Duterte sa kampanya laban sa droga kabilang ang pahayag niya na papatayin niya ang lahat ng mga sangkot sa droga at ang kanyang sinabi na aakuin niya ang responsibilidad sa mga napatay sa drug war, maging ang sinabi niya na ang kanyang kasalanan lamang ay sa EJK at ang kabiguan ng kanyang administrasyon na mapatigil ang illegal drugs sa loob ng anim na taon na kanyang pangako noong panahon ng pangangampanya.
Makikita rin sa video clips ang mga insidente ng pagpatay sa mga drug suspects.
Una rito, itinuloy ng quad comm ang pagdinig ngayong araw na ito matapos na unang kanselahin, nang kinumpirma ni Duterte na siya ay dadalo sa pagdinig.
Sinabi ni Congressman Ace Barbers na itinuloy nila ang pagdinig ngayong araw dahil nais nilang marinig ang panig ni Duterte tungkol sa mga nasabing usapin.