Naniniwala si Senator Ronald dela Rosa na walang kinalaman si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng illegal Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa bansa.
Sinabi ni dela Rosa na duda siya na madadamay si Duterte sa nasabing usapin.
Ang pahayag ng Senador ay kasunod ng naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros na natuklasan nilang may direktang transaksyon si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kapatid ni Michael Yang na si Hongjiang Yang.
Ayon kay Hontiveros, posibleng ipinapakita lang ng kaugnayang ito na ang kapatid ni yang ang nagpondo sa pgpapatayo ng Hongsheng Gaming Technology sa Bamban na sinalakay ng awtoridad dahil sa iligal na operasyon.
Binigyan diin ni Dela Rosa na kung may mga ebidensya ang mga ito ay ihain na lang ito sa korte.
Subalit iginiit niya na maaaring maiuugnay ang dating pangulo ngunit malayo na madadawit siya sa isyu sa POGO.
Sinabi niya na ito ay dahil noon pa naman ay ipinag-utos ni Duterte sa Davao City ang operasyon laban sa mga Chinese na sangkot sa mga iligal na operasyon.