Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang “death squad” na binubuo ng pitong miyembro, na nagsagawa ng kanyang mga utos na patayin ang mga kriminal nang siya pa ang mayor ng Davao City.
Ayon sa kanya, ang mga ito ay hindi mga pulis, sila ay mga gangsters.
Sinabi niya sa inatasan niya ang death squad na patayin ang mga kriminal, dahil kung hindi gagawin ito, sila ang kanyang papatayin
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senado, kahapon, inamin din ni Duterte na sinabi niya sa mga pulis na pilitin ang isang suspect na lumaban para may dahilan patayin ang mga ito, kung saan ito ay tinawag na “nanlaban” cases.
Sa pagtatanong ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada, sinabi ni Duterte na ang mga senior police officials na namuno sa Davao police station ay mga miyembro ng “Davao Death Squad”, kabilang si Senator ” Bato” dela Rosa.
Subalit, agad siyang kumambyo at sinabing hindi niya kailanman inutusan ang mga opisyal ng Philippine National Police, partikular ang mga nagtapos sa Philippine Military Academy, na patayin ang mga kriminal.