Ipinag-utos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang tatlong Chinese nationas sa loob ng Davao Penal and Prison Farm noong 2016.

Ito ang sinabi ng isang suspek na ngayon ay nasa kulungan dahil sa mga pagpatay.

Sa ikalawang pagdinig ng quad-committee ng kamara, sinabi ni Leopoldo Tan inatasan sila kasama ang isang Fernando Magdadaro na patayin sina Chu Kin Tung, Jackson Lee, at Peter Wang.

Kasalukuyang nakaditine si Tan sa Support Company ng Philippine Military Academy.

Ayon kay Tan, may kinausap si Bureau of Corrections (BuCor) official Supt. Gerardo Padilla sa telepono matapos ang umano’y maisagawa ang umano’y pagpatay, at pinuri pa ng nasabing tao ang jail officer.

-- ADVERTISEMENT --

Kinilala Tan ang kausap ni Padilla na si dating Pangulong Duterte.

Ayon sa kanya, sigurado na siya si Duterte ang kausap ni Padilla dahil nabobosesan niya ito.

Sinabi pa ni Tan na pinangakuan sila ng pera at kalayaan kapalit ng pagpatay sa tatlong Chinese nationas.