Ipapatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hiwalay na drug war probe.

Sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na isasagawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na kanyang pinamumunuan.

Ayon kay dela Rosa, hindi lamang si Duterte ang kanilang ipapatawag kundi maging ang mga dating miyembro ng kanyang gabinete na magiging resource persons.

Sinabi ni dela Rosa na bagamat hindi pa niya sinasabihan si Duterte sa kanilang plano, naniniwala siya na haharapin ng dating pangulo ang komite.

Ilang ulit nang inimbitahan ng quad committee ang Kamara sina Duterte at dela Rosa, na nagsagawa ng imbestigasyon sa madugong drug war sa nakalipas na administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, maaaring magsagawa ang kanyang komite ng motu propio investigation sa kaparehong issue dahil mayroon nang pending resolution na isinumite sa panel may kaugnayan sa umano ay pagkakasangkot ng anak ni Duterte na si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, at iba pang personalidad sa smuggling ng illegal drugs.