Inihayag ni Vice President Sara Duterte na handa niyang harapin ang tatlong impeachment complaints na inihain laban sa kanya.

Kasabay nito, iginiit niya na wala siyang nilabag na batas.

Ayon sa kanya, nakahanda ang kanyang mga abogado para idepensa siya sa sandaling umusad ang impeachment trial.

Isiniwalat din niya na handa rin ang kanyang ama na maging isa sa kanyang mga abogado na magtatanggol sa kanya.

Sinabi ng bise presidente na binanggit ito sa kanya ng dating pangulo sa kanilang Noche Buena.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin ni VP Sara na ang alok ng dating pangulo sa ay kasunod ng pagtanggi nito sa financial support.

Sa noche buena ng pamilya Duterte, sinabi niya na nag-aalala ang kanyang ama at nagtanong tungkol sa kalagayan ng kanyang impeachment.

Tinanggihan umano ni Sara ang alok ng ama sa suportang pinansiyal kaya nag-alok na lang sa anak na siya na ang mag-aabugado sa mga kinakaharap na reklamo.

Ani VP Sara, isa ang dating Pangulong Duterte na hahawak sa kanyang mga kaso at sa ngayon ay pinag-aaralan na ang kaso sa IBP.

Nahaharap si VP Sara sa tatlong impeachment complaint kabilang ang sinampa ng Catholic priests, religious groups, at ilang mga abogado.