Iginiit ng Department of Justice na dapat na sumunod ti dating Pangulong Rodrigo Duterte sa freeze order laban sa mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ.

Si Duterte ang nagsisilbing administrator ng mga ari-arian ng KOJC.

Binigyang-diin ni Justice Undersecretary Raul Vazquez, na non-negotiable ang nasabing freeze order.

Matatandaan na inilabas ng Court of Appeals ang freeze order sa freeze order sa 10 bank accounts, pitong real properties, limang sasakyan at isang aircraft, na pag-aari lahat ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sakop din ng kautusan ang 47 bank accounts, 16 real properties at 16 na sasakyan ng KOJC maging ang 17 bank accounts, limang real properties at 26 na sasakyan ng Swara Sug Media Corporation na nangangasiwa sa media arm ng KOJC na Sonshine Media Network International (SMNI).

-- ADVERTISEMENT --

Nakitaan ng CA ng sapat na basehan para paniwalaan na ang pera at mga ari-arian ni Quiboloy ay maaring mula sa mga iligal na aktibidad.