Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. nitong Lunes ng gabi sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame.

Ito ay matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong malversation at falsification of public documents dahil sa ma-anomalyang P92.8-milyon na flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa isang video na ibinahagi sa kanyang Facebook page, kinumpirma ni Revilla na nakatanggap siya ng impormasyon hinggil sa pag-isyu ng warrant para sa kanyang pag-aresto.

Kalaunan, kinumpirma ng kanyang tanggapan na boluntaryo siyang nagpasya na sumuko sa halip na ipatupad pa ang pag-aresto.

Kasama ng dating senador na nagtungo sa PNP-CIDG ang asawa nitong si Cavite Rep. Lani Mercado -Revilla.

-- ADVERTISEMENT --