Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Vice President Jejomar Binay, at anak nitong si dating Makati mayor Erwin Binay, kasama ang iba pa sa reklamong malversation of public funds at multiple counts of graft, at falsification of public documents sa konstruksyon ng P2.2 bilyong Makati City carpark project.
Sa desisyon ng Sandiganbayan Third Division, na tinintahan ni Sandiganbayan Justice Ronald Moreno, sinabi na ang mga Binay at mga co-accused nito ay napag-alamang hindi guilty sa mga reklamong inihain laban sa kanila.
Bilang resulta, walang maipapataw na civil liability sa mga Binay at iba pang akusado.
Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aalis ng Hold Departure Order laban sa mga Binay at mga iba pang akusadao bilang resulta ng pag-abswelto.
Matatandaan na umabot sa 23 kaso ang inihain laban sa mga Binay at co-accused nito ng state prosecutors noong 2016.