
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinuspinde na ang excise tax sa LPG at kerosene para makatulong sa pagbaba ng presyo ng mga ito.
Ginawa ito ng Pangulo sa ilalim ng Republic Act No. 12316 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang bawasan o alisin ang excise tax sa produktong petrolyo kapag mataas ang presyo ng langis sa world market.
Ayon sa Department of Finance, magiging epektibo ang hakbang makalipas ang 15 araw mula sa publikasyon nito.
Ang suspensyon ay maaaring tumagal ng hanggang tatlong buwan at ibabalik ang buwis kapag bumaba na ang presyo ng langis o matapos ang itinakdang panahon.










