TUGUEGARAO CITY- Isinasapinal na umano ang draft ng executive order para sa reorganization ng Water Resource Management na ilalagay sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na paunang hakbang ito ng malacaƱang upang maresolba ang problema sa tubig habang wala pa ang bagong kongreso para sa panukalang pagbuo ng Department of Water.
Ayon sa kanya,sa sandaling matapos ang executive order ay mabubuo naman ang isang council na siyang magrerekomenda ng mga lalamanin ng Department of Water at hihilingin sa kongreso na gawin ito priority measure.
Naniniwala si Nograles na sa pamamagitan ng Department of Water ay magkakaroon ng maayos na pamamahala sa 18 major river basin sa bansa para sa tamang distribusyon ng tubig sa mga irigasyon,water consumption at para sa electricity.
Sinabi ni Nograles na sa ngayon kasi ay watak-watak at may kanya-kanyang mandato at gawain ang mga ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa tubig at hindi umano sila nagkakaroon ng maayos na koordinasyon o pag-uusap para sa magandang pamamahala sa tubig sa bansa.