Binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Lunes na mas mahigpit ang mga kondisyon sa pagpapalabas ng budget ngayon at ito ay ipatutupad ng “transparently,” bilang tugon sa panawagan ng mga pari ng Katoliko na hindi lang nakatuon sa “ayuda”-driven na budget.

Ang panawagan ay ipinarating ni Fr. Tito Caluag sa kanyang homiliya sa online na Misa noong nakaraang Linggo, kung saan tinukoy niya ang mga agam-agam tungkol sa 2025 national budget na naglalaman ng bilyon-bilyong pondo para sa mga programang anti-kahirapan, na posibleng magtulak sa kultura ng patronage politics bago ang nalalapit na halalan.

Kinondena rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang “iskandalosong pag-abuso ng pondo at mga yaman ng gobyerno; pati na ang mga kahina-hinalang insertions, cuts, at adjustments sa pambansang budget.”

Dagdag pa ni Bersamin, sa paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act (GAA), direktang ni-veto nito ang pinakamalaking halaga ng mga pondo sa kasaysayan.