Nagkasundo na sina Mike Tyson at Floyd Mayweathersa tentative location at petsa ng kanilang exhibition bout.

Ayon sa mga report, gaganapin ang laban sa Democratic Republic of Congo, Africa, sa April 25, 2026.

Kilala ang Kinshasa, Congo ay kilala sa “Rumble in the Jungle” event, kung saan tampok ang laban nina Muhammad Ali at George Foreman para sa heavyweight championship noong 1974.

Ang huling laban ni Tyson, 59 anyos, ay kay Jake Paul noong November 15, 2024.

Natalo si Tyson sa eight-round bout sa pamamagitan ng unanimous decision at hindi siya nanalo ng laban buhat noong Feb 22, 2003, laban kay Clifford Etienne.

-- ADVERTISEMENT --

Ang huling laban naman ni Mayweather, 48 anyos ay kay John Gotti III noong August 24,2024.

Ito ang kanyang pang-walong exhibition match buhat nang magretiro siya na undefeated sa boxing matapos na talunin si MMA star Conor McGregor noong August 2017.