TUGUEGARAO CITY – Nakuha ng Small Water Irrigation System Association ang 1st prize sa isinagawang exotic cookfest kaninang umaga bilang bahagi ng selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan.

Nakatanggap ng P20,000 na premyo ang nasabing asosasyon.

Second prize ang Solana na nakatanggap ng P15,000, 3rd prize ang Sta. Ana na may premyo na P10,000, 4th place ang Baggao na may premyo na P7,000 at 5th prize ang Buguey na nakatanggap ng P5,000 habang nakatanggap naman ng tig-P2,500 ang mga hindi nanalo.

Kabilang sa mga iniluto ng 14 na kalahok ay ang fried frog, ginataang kuhol, bofis na kuhol, bola bola na eel, frog casserole, bayawak, frog curry, fried na salagubang o asimawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Pearl Mabazza, consultant for Agriculture ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na umaasa siyang magtutuloy-tuloy na ang nasabing aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Mabaza na balak nilang paunlarin ang exotic food dito sa lalawigan upang may pagkakitaan ang mga asawa ng mga magsasaka.

Ayon sa kanya, plano niyang i-organisa ang mga Rural Improvement Club para sa plano na magkaroon ng isang restaurant na ang tanging iluluto ay mga exotic food.

Sinabi ni Mabaza na hindi lang kasi natuloy ang nasabing plano nitong nakalipas na taon dahil na rin sa problema sa budget.