Inihayag ng isang international law expert na aabutin ng ilang taon ang extradition case ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Ipinaliwanag ni Atty. Arnedo Valera, US Immigration Attorney na may specialization sa International Affiars sa International Law and Human Rights sa Columbia University na masalimuot at nakapakomplikado ng extradition case sa ilalim ng Extradition Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon sa kanya, dadaan sa napakarami at mahabang proseso ang extradition na hiling ng US sa Pilipinas para kay Quiboloy dahil sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; bulk cash smuggling.

Sinabi niya na ang kahilingang extradition ni Quiboloy ay dadaan sa diplomatic channel at sa mga pagsusuri ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Foreign Affiars at Department of Justice na tutukoy kung may sapat na ebidensiya o basehan para isulong ang estradition process bago ito dalhin sa Court of Appeals para sa pagdinig at dito na rin idedepensa ng legal team ni Quiboloy ang kaso.

Idinagdag pa niya na isa rin sa komplikadong proseso ay ang pag- notify o transmittal ng desisyon ng Court of Appeals.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya sa ilalim ng pag-aaral sa hiling na extradition ay dito rin titignan kung ito ay pasok listahan ng mga kaso sa Extradition Treaty subalit kung hindi man nakasaad ang mga alegasyon kay Quiboloy ay maaaring gamitin ang principle of dual criminality at kung ito ay pasok sa legal standards ng ating bansa.