Hindi naging hadlang sa ang napakalaki at makasaysayan na opening ceremony ng Paris Olympics 2024 ang tangkang pananabotahe sa high-speed train lines ng France ilang oras bago ang seremonya.
Hindi rin naging hadlang ang lamig at ulan para sa epic series ng performances at ang panonood ng milyong-milyong katao sa seremonya.
Tampok sa seremonya ang performance ni Lady Gaga, heavy metal band Gojira at sa kauna-unahang pagkakataon buhat noong 2019 ay pinatunog muli ang kampana ng Notre Dame Cathedral.
Samantala, ang Parade of Nations ay isinagawa sa labas ng stadium sa kauna-unahang pagkakataon, kung saan sakay ng mga bangka ang mga atleta sa Seine River sa Paris.
Ang huling nag-host ang Paris ng Olympics ay 100 taon na ang nakalilipas noong 1924.
Isinara naman ni iconic Celine Dion, na lumalaban sa hindi karaniwang neurological condition ang nagsara ng seremonya sa kanyang nakakatayong-balahibo na pagkanta ng “L’Hymne à l’amour.”
Samantala, Pinangunahan naman nina Pilipino boxer Nesthy Teyecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.
Nakasakay naman sa bangka sa opening ceremony sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at ilang sports officials Michael Angelo Vargas ng swimming, Marcus Manalo ngboxing, Cynthia Carrion Norton ng gymnastics, Patrick Gregorio sa rowing at Agapito “Terry” Capistrano sa athletics.
Hindi naman nakasama ang mga boksingerong sina Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco dahil naghahanda sila sa kani-kanilang laban ngayong araw ng Sabado habang si pole vaulter EJ Obiena ay nakatuon pa rin sa kaniyang pre-game preparations sa Normandy.
Ang Opening ceremony ay nagsimula dakong ala-7:30 ng gabi sa Paris o 1:30 ng madaling araw ng Sabado sa Pilipinas.