
Inanunsiyo ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao na mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan mula Kindergarten hanggang Senior High School (SHS), kabilang ang Alternative Learning System (ALS), sa lungsod bukas, Nobyembre 28, 2025.
Ito ay bunsod ng malawakang pagbaha na nararanasan sa lungsod at sa iba pang bahagi ng Cagayan Valley, kung saan maraming guro at mag-aaral ang lubhang apektado. Marami ring paaralan ang nalubog sa baha.
Samantala, ipinauubaya ng LGU Tuguegarao sa mga pribadong paaralan, unibersidad, at kolehiyo ang pagdedesisyon hinggil sa learning modality na kanilang ipatutupad.










