Pansamantalang sususpindihin ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang face to face consultation ngayong araw bilang pag-iingat dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, Chief ng Medical Professional Staff, na upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga pasyente ay bukas pa rin ang telemedicine consultation ng opsital.
Bukas aniya ito 24/7 upang tumanggap ng mga text at tawag ng mga pasyenteng magpapakunsulta ng iba’t ibang karamdaman.
Tiniyak nito na handa at sapat ang bilang ng mga medical personnel na nakatalaga sa pangangasiwa sa health concern ng publiko.
Kaugnay nito ay kailangan lamang tumawag ang mga nais magpakunsulta sa kanilang numerong 0915-763-8377 at 0960-522-7327.
Samantala, mula sa kasalukuyang bilang isolation wards para sa mga pasyente ng COVID-19 na binuksan ng CVMC ay umaabot na aniya sa 60% ang nagagamit.
Dahil ito sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 related patients na dinadala sa kanilang tanggapan kaya’t naghahanda na rin sila ng karagdagan pang pasilidad.
Sa huling datos ng ospital ay umabot na sa 68 ang confirmed cases na nasa kanilang pangangalaga habang mayroon namang 20 na suspected cases.