Tatagal na lamang ng isang buwan ang mga na-publish na video ng Facebook sa pamamagitan ng live broadcast sa kanilang platform.

Sa panahong ito, maaari umanong ma-access ang mga video, ma-replay, mai-share at mai-download bago tuluyang mawawala pagsapit ng 30 araw.

Para naman sa existing archived live videos, ang Facebook ay maglalabas umano ng abiso sa user bago ito ganap na tatanggalin.

Mayroon lamang 90 araw ang content creator para makuha ang kopya ng kaniyang published material.

Sinasabing ang mga pagbabagong ito ay alinsunod sa industry standards at sa viewing behavior ng kanilang users.

-- ADVERTISEMENT --