
Pinalagan ng Korte Suprema ang mga kumalat na pekeng impormasyon tungkol sa umano’y pagkakatanggap daw nila ng petisyon tungkol sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Spokesperson ng SC, sinabi nilang “fabricated documents” ang ipinost sa Facebook accounts ng mga nagngangalang “Choose Libungan” at “Bernard Flores Maicon” tungkol umano sa 16 milyong lagdang nagpepetisyon sa pagbibitiw ni Pangulong Marcos, Jr.
Pinabulaanan din ng SC ang posts ng mga nabanggit na pangalan, na anila ay magko-convene ang Korte Suprema para pag-usapan ang tungkol dito.
Iimbestigahan umano ng Korte Suprema ang tungkol dito at lalapatan ng kaukulang legal na aksyon dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.